originally written March 18, 2009
Producing the Pilot Episode of a totally different type of show was a real challenge for me! I have been producing forEmergency, , the longest-running public affairs show for almost three years and needless to say, I consider myself as an “expert” Public Affairs producer pretty much! *smiles*
Now here comes the new show which is far different from what I have been doing the last few years! This time, there are no rare diseases to feature, no hospital set-ups, rescues, life saving moments and Emergencies, instead there would be Overseas Filipino Workers (OFWS), their family, and their stories!
No more Arnold Clavio to host, or AAK as we usually call him... but Kara David.
No more voice overs to tell a story , but video blogs and BBB or Blow-by-blow (a term which i encountered when i did a one epsode stint at May Trabaho ka)!
The format of the new show is REALITY, which I am not really familiar with!
These are just some of the few BIG changes that we have to face. And suddenly, I felt like a newbie in the business again. A new segment producer trying to learn. All my track records as a good writer and producer are gone. Suddenly, I am back at one.
FIRST REALITY SHOOT
“Ako si Bea, 31 years old, nagtatrabaho ako bilang GRO!” Ito ang linya ng una kong case study para sa OFW Diaries at para sa kauna unahan kong segment!
“Ok, ishoot mo lang siya ng kung ano ang ginagawa niya!” Ito yung iniisip ko nung unang beses akong nagshoot! Kaya kung dalawang oras siyang naglaba, dalawang oras namin siyang sinundan. Nag-igib, nagluto, kumain. Sinundan lang namin siya ng sinundan, ang camera? Nagroll lang ng nagroll., Reality nga di ba?
Nakita ko kung gaano pinawisan yung cameraman ko! Dahil nga sa sobrang pagod, napabili na siya ng softdrink habang nagshohoot e at nilibre pa yung lahat ng may gusto! Haha.
Ako, nagoobserba lang habang pinaglalabanan ang pagkabagot sa paulit ulit na ginagawa ni Bea. Pero sabi nga, kunin ang realidad.. at yun ang totoong nangyayari ng mga oras na yun! Kaya kahit gusto kong sabihin na, “Ate Bea, pwede ba tapusin mo na yung paglalaba mo, dahil gusto ko ng makita ang uulamin ninyo!” Hindi ko nagawa!
Kaya sa unang araw na nagshoot kame, paulit ulit ang mga tanong!
CAMERAMAN: “Kailangan ba ganito?”
AKO: “Magwowork ba ito?”
CAMERAMAN: “tama ba itong ginagawa natin?”
Pero kahit na maraming mga tanong, shinoot naming ng walang patumangga ang kauna unahang shoot naming para sa bagong show!
At habang lumalapit ang airing date, ang daming mga pagbabago! Well, sabi nga, kapag nagpapilot, “EXPECT THE UNEXPECTED!”
Ilang beses nagdecide na magbago ng Pilot ep! Noong una, OVERVIEW lang tungkol sa OFW’s hanggang naging Entertainer, hanggang naging Domestic Helpers!
Nagbago bago rin ang line-up, pati ang outline! Hindi ko rin mabilang ang napakadaaming pre-prod meetings! Na umaabot na nga ng halos isang araw! Nakakadrain, nakakaubos ng utak, pero kailangan e, dahil sa simpleng rason, kasi nga nagpapilot ka!
At dahil halos parepareho kaming bagito sa ganitong klase ng programa, kailangan naming matuto ng sabay sabay, walang dapat maiwan.
Kaya naman bago umere ang unang episode noong March 13 --- ang bawat isa sa amin, mas marami pang pinagdaanan!
PANO NGA BA BUMUO NG PILOT?
I'm not being biased, but I’d say, Emergency is one of the most successful Public Affairs show ever produced in Philippine Television, well, isn’t it obvious? It ran for 13 years! With OFW Diaries, how can we beat that?
With this big pressure on hand, we really have to work together to come up with something, which on the least, is at par with E!
So we tried to perfect the shots, the story line (outline) and the editing.
Pero paano mo mapeperfect ang isang bagay na bago para sa yo?!
Sa isang segment ni Bea, hindi ko na mabilang ang shoots bago ako umere! Isang beses, nagshoot pa nga ang Executive Procucer ko para sa akin habang nasa ibang bansa ako, ganyan nga ka big time ang programang ito! Hehe.
Pero sa bente mahigit ko yata na tapes, ang dami pa rin sa mga shoots ko, ang madilim, kulang sa ilaw, pangit ang audio, grainy, etc. Mga BBB na hindi ko naitanong, hindi nasabi.
At kung inaakala ko na tapos na ang pagshushoot ng maisulat ko na ang script, hindi pa pala. Sa pagsusulat pa lang ng script, ang dami pa rin naming nadiskubre na kulang pa, na kailangan, na ‘mga sana’ at mga DAPAT!
Kung sabi nga sa isang concert ni Lea Salonga, referring to her stint in Miss Saigon, “Songs were rewritten, re-rehearsed, then rewritten, re-rehearsed!” Sa OFW diaries pilot, “Scripts were rewritten, reshot, reedited, then rewritten, reshot, reedited!” I may be exaggerating, but more or less, madaming pinagdaanan ang shoots, ang script at ang editing para makaproduce ng isang magandang pilot!
I had to reshoot several times.
Ilang beses din kaming umupo sa pagsusulat ng script, ilang beses ding nagrevise. Kahit nga pati format ng pagsusulat ng script, kaiba sa dati kong nakasanayan!
At di gaya ng dating show kung saan pag naedit mo na, ok na. Sa sitwasyong Ito hindi! Sabi ko nga sa researcher ko pag tinatanong niya ko kung tapos na ang editing, ang sagot ko, “WAIT, there’s more!” Kaya lagi rin siyang nakastandby sa mga posibleng idagdag,
Kasi hanggang sa dalawang araw na lang bago ang Pilot, may mga dagdag shoots pa rin! May mga discoveries pa din.
WE SURVIVED OUR FIRST EP!
Kung meron akong natutunan, well, mahirap talagang magpilot! Hehe.
But actually, it’s a given! Because we don’t want to serve a half-baked cake to our audience! J They certainly deserve the best!
But more than the thrilling ride, the ups and downs of producing a new show, this new experience is a test of character. On how far can you go to live up with this new challenge, on how much can you give to achieve your goals and how deep can you dive with new discoveries!
And though i would say, that we have survived our first ep, i’m sure, we’re a long way to go!
Comments